Miyerkules, Mayo 9, 2012

Been Hooked up in SRC... ^-^



*photo credits to Stallion Riding Club series Fan Page...




SRC a.k.a Stallion Riding Club Series written by Sonia Francesca and Sofia printed and published by Precious Heart Romance (number one publisher of Philippine Romance stories)

Isang araw nakita ko napakadami dala ng hipag ko sa pinsan na pocketbook; biniro ko siya at sinabi "Pahiram nga ng isa at makapagbasa", inabot nya sa akin ang isang pocketbook sabi nya eto kay "Jubei Bernardo"; maganda ito, SRC series lahat ng SRC series magaganda storya. Kinuha ko at binasa ko ng makahanap ako ng pagkakataon. Nagulat ako na nabasa ko at natapos ko sa loob lang ng tatlong oras. Maganda nga ang storya dahilan mabilis ko yun natapos at di man lang ako kumurap sa pagbabasa....

Ano ba nagustuhan ko sa SRC? 

- Malawak ang storya dahilan series ito ang pinakamagandang idea para mapalawak ang isang storya ay malawak na lugar at napakaraming karakter na talaga naman hindi matatawaran ang personalidad "kumbaga personalidad na di basta-basta lang, ung tipong malakas ang dating". Pareho ito nakuha ng SRC series; malawak at punong-puno ng magandang imahinasyon na lugar at napakaraming karakter at sa bawat karakter may magandang storya.

- Malikhain pagsulat at paglalarawan ng lugar, nabigyan buhay nila ang kagandahan ng lugar na kanilang nais bigyan ng buhay.

-Consistency. Bihira sa isang manunulat lalo na ng isang series ang mapanatili ang consistency, napanatili nila na di nagbubuhol buhol ang takbo ng storya kahit maraming karakter ang nakapaloob sa isang buong series at bawat storya.

-Inspirasyon. Inaamin nila kung saan sila kumukuha ng inspirasyon sa mga napanuod na nila mga novela series na madalas ay Korean at Taiwan series at pati mga anime na napanuod nila. Nagbibigay pugay din sila sa mga ordinaryong tao nakakasalamuha nila na nakakapagbigay sa kanila ng inspirasyon. At pati sa mga cover ng pocketbooks nila na nagbigay sa kanila ng inspirasyon, inamin nila na mga sikat na models at actors sa ibat' ibang bansa ang madalas na nasa cover nila. Inaamin din nila na may mga "scenes" sa sinusulat nila ay "inspired" o kinuha sa isang Asian series na napanuod na nila kagaya ng "Princess Hours".

- Kakaiba atake ng mga storya, linya, dialogue na madalas sa Korean or Taiwanese series ko lang nakikita o napapanuod.

- Matapang na pagsubok na makabago at tradisyunal na pag gawa ng storya. Maari "love story" talaga ang genre na ginagawa nila ngunit hindi sila natatakot lumapas sa genre na un kagaya ng maging "psychological" paminsan-minsan o maging hard drama, action at syempre comedy.

- Collaboration. Dalawa silang nagsusulat ng series kaya napakaganda ng collaboration nilang dalawa; iilan lang ang matagumpay na nakakatapos na makapag sulat ng isang series na may ganito ka effective na collaboration.

Ang mga sumusuonod ay ilan sa mga nabasa ko sa SRC series; bawat series ay nahahati ng Batch.

Ang Batch ay mula Batch1 hanggang Batch 4... (di ko pa nababasa lahat... T.T)




May dalawa din special na storya para sa SRC Revisited;




May 50 characters sa SRC series at sila ay ang mga sumusunod; (Informatin credits from Stallion Riding Club series Fan page) ^-^

1. Jubei Bernardo by Sonia Francesca 
2. Eneru Villasis by Sonia Francesca
3. Gino Santayana by Sofia 
4. Hiro Hinata by Sofia 
5. Reigan Baltazar by Sonia Francesca
6. Neiji Villaraza by Sonia Francesca 
7. Yuan Zheng by Sofia
8. Gabryel Honasan by Sofia
9. Brad Crawford 
10. Rodjan Sta. Maria 
11. Kaiser Montezor 
12. Yozack Florencio
13. Renzell Zapanta
14. Emrei Rafiq
15. Romanov Cuerido 
16. Jason Erwin Dean
17. Crawford OreƱa
18. Kester Mondragon
19. Philippe Jacobs
20. Eiraun Jimuel Romero
21. Rolf Guzman
22. Beiron Rafiq
23. Reichen Alleje
24. Reid Alleje 1
25. Reid Alleje 2..
26. Pipo De Vera
27. Johann Cristobal
28. Daboi Bustamante
29. Gianpaolo Aragon
30. Angelo Exel Formosa
31. Thyago Palacios
32. Icen Villazanta
33. Hayden Anthony Ilano
34. Rozen Aldeguer
35. Jozaiah Gatchalian
36. Cloud Montanez
37. Eizhiro Figueroa
38. Zairo Montevedra
39. Hans Cervantes
40. Baxter Saavedra
41. Mark Ashley Carnello
42. Danrick Tezzoro
43. Ricos Caderao
44. Richard Don Robles
45. Lee Shin Yang
46. Myco Gosiaco (2 books)
47. Ian Jack Salmentar
48. Trigger Samaniego (2 books)
49. Reiven (3 books)
50. Jigger Samaniego ( 2 books)

May 53 books kabuuan ang SRC series at nais ko mabasa lahat ng 53 na pocketbooks na yan..... ^-^


well here's my favorite SRC character; 


Kahit hindi ko pa sila nababasa; gusto ko na karakter nila batay sa mga ilan books na nabasa ko na kasama ang karakter nila.... ^-^

At dahil tapos na ang SRC series at nanatili "demanding" ang mga fans; nagpatuloy pa din ang isa sa kanila na magsulat ng panibagong series ang extension ng SRC ang Stallion Riding Club Island; nakabasa na din ako ng mangiian-ngilan sa series na ito at kagaya ng dati hindi binigo ng manunulat ang expectation ng kanyang mga tagahanga.... =)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento