Old school.... ROCKS!!!! (*-*)V
Natatandaan ko ng ako ay high school pa at ako ay nasa 3rd year high school, nakaipit sa Home Economics book ko ang pocketbook na binabasa ko habang sobrang abala ako sa pagbabasa di ko namalayan nasa likod ko na pala ang guro ko.
Syempre nasermunan ako at nakumpiska pa pocketbook na binabasa ko na hindi naman talaga sa akin at hiniram ko lang. Mabuti na lang at ng matapos basahin ng guro ko ay sinauli niya din sa akin at nagpa salamat pa, un nga lang may kasama ng warning na "Hwag ka ng magbabasa nyan sa klase!", tumango na lang ako bilang tugon....
Kailan ba ko nagka interes magbasa ng pocketbook?
Tama! natatandaan ko na, first year highschool ako ng masiraan kame ng TV at wala entertainment sa bahay. Ang tita ko nag aalaga sa aming magkakapatid ay napakahilig sa pocketbook, sabi niya hwag na lang ako umalis ng bahay at pumunta kung saan-saan, magbasa na lang ako at inabutan ako ng pocketbook; un ang unang pagkakataon na nakapagbasa ako. Hindi naman ako sobrang naging interesado nun hanggang ng mag third year high school ako may naging Kaibigan akong "hibang na hibang" sa pagbabasa ng pocketbook lalo na ung "Christine series". Hindi pa din ako ganun kahilig na magbasa ng pocketbook pero nawili ako magbasa ng mga nabasa niya ng storya dahil nahihiwagaan ako kung bakit ba siya "hibang na hibang" magbasa. May ilan-ilan storya nakakuha ng interes ko; naalala ko ang "Alon at Buwan" na sinulat ni Gilda Olivado; ang ganda pa nga ng cover nun makintab na asul na parang dagat at may Buwan na nagliliwanag. Bukod sa nagandahan ako sa cover, maganda din ang storya kaya ko binili pero hiniram ng kaibigan ko ung pocketbook at hanggang ngaun nasa kanya pa. Kung tutuusin napakamahal ng presyo nun sa presyo ng ordinaryong pocketbook lang dahilan si Gilda Olivado ang may katha; Siya ay isa sa sikat na manunulat sa larangan ng nobelang Pilipino, madalas napapalabas sa telebisyon mga katha nya at ginaganapan ng mga sikat na artista kagaya ni Sharon Cuneta. Sa tooto bukod sa novela "Alon at Buwan" wala na ako alam na ibang katha niya. Nakakatawa lang isipin na ang "Alon at Buwan", ayun ang pinaka unang "pocket book" na binili ko ay tumagal lang sa akin ng ilang araw at hindi man lang naluma sa akin mga kamay. ^-^ Hindi naman talaga malaking bagay yun tutal nasa mabuti naman mga kamay ang nobela na iyon ngayon (naalala ko lang).
At simula noon, nahilig na ko magbasa ng pocketbook pero piling-pili lang depende sa storya kung maganda at magugustuhan ko. Bilang isang nilalang na nakakalikha din ng sarili kong storya; nagbibigay pugay ako sa mga taong may malawak na imahinasyon at isipan sa larangan ng pagsusulat at paglikha ng mga magagandang storya. Ninanais ko na makagawa din ng "sarili kong katha" at mailathala din balang araw.... ^-^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento