Lunes, Mayo 28, 2012
Mga panahon.....
Mga panahon na hindi pa uso cellphone;
at ng mga panahon na uso pa paggawa ng sulat...
Mga panahon uso pa ang napakabagong stationarie;
stationarie hinihingi ko pa sa aking kaklase;
na kolektor ng iba't-ibang klaseng magagandang stationarie...
Ng mga panahon na lahat ng hinihingi kong stanarie;
ay tinatago ko lang at di man lang sinusulatan...
Mga panahon na ako ang sumusulat ng "love letter";
para sa nililigawan ng kuya ko habang dinidikta nya...
Mga panahon na may iba't-ibang "style" ng pagtupi ng love letter...
Mga panahon na tumatakbo kame palabas ng bahay tuwing umuulan;
na hindi sinasabihan ng aming mga magulang na "acid rain" yan...
Mga panahon na kahit black and white pa telebisyon;
at bilang na bilang pa stasyon at wala pa din internet;
na tanging drama sa radyo ang aking laging naririnig...
Mga panahon na pinapatawag ng aking Ina ang aking ate;
mula sa paglalaro ng "ten twenty" para mag saing...
Mga panahon na nagtatakbuhan kame sa larong "P.S(2x) I love you"...
Mga panahon nagkakabuhol-buhol kame sa "Mr.Quack-Quack"...
Mga panahon nagiging reyna kame sa "bubuka ang bulaklak"...
Mga panahon na nagiging "fashion designer" kame para sa damit ng barbie namin...
Ng mga panahon nagiging "cook" kame at ginagawang gulay ang mga halaman at dahon...
Mga panahon nagiging "Little Miss Philippines" kame na nagpaparada sa daan;
gamit ang mga halaman, bulalak na kinukuha namin sa malawak na bakuran;
ng matandang madalas magalit sa amin dahil sa paulit-ulit namin pagpasok sa hardin nila....
Mga panahon na gumuguhit kame ng araw sa lupa gamit ang patpat;
kapag gusto na namin umayaw sa paliligo sa ulan at gusto na namin itong tumila...
Mga panahon na parang ang lawak ng mundo, na parang ang haba ng oras...
Mga panahon na hindi maghapon nakaharap ang bata sa telebisyon;
hindi marunong gumagamit na kahit na anong high-tech na gamit...
Mga panahon naakyat pa kame sa puno ng mangga, mga panahon nagduduyan sa ilalim nito...
Mga panahon na naglalatag kame ng banig sa bubungan upang panuorin ang mga bituin sa langit;
Mga pahahon na pinag-uusapan namin kung ilan nga ba talaga ang bituin sa langit;
At mga panahon na nagpapayabangan kame kung sino ang makakabilang ng bituin...
Mga panahon na masayang-masaya kame kapag may lumalabas na "rainbow" sa kalangitan...
Mga panahon na naririnig ko pa ang salitang "Opo" sa kabataan...
Mga panahon na nakikilala mo pa kung sino ang mas matanda;
kasya sa mas bata, mga panahon madali pang pagsabihan ang kabataan...
Mga panahon na parang ang lapit sa amin ng kalikasan, na simple lang ang kaligayahan...
Mga panahon na masarap alalahanin, masayang balik-balikan;
at sana ay manatili para naman sa bagong henerasyon...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento