Miyerkules, Mayo 2, 2012

Gimme' a Break.... ^-^

                                                      
                                                      
                                                   



Kahit ang isang blog post ay kailangan ng magandang tanawin upang sandali ay makapagbigay ginhawa. 

Ang mga larawan na ito ay nagbibigay sa akin ng magandang pananaw at masayang pakiramdam na nakakapagbigay kapayapaan sa aking isipan.


Ilan nga ba ang nakakapansin na ang puno ng Narra ay napakaganda kapag namumulalak?...



Sa kabila ng sobrang init ng panahon ng tag-init; ito din ang panahon na ang puno ng Narra ay namumulaklak. 

Isa ako marahil sa "maswerteng" nilalang sa mundo dahilan sa kabilang bahay namin ay may puno ng Narra nakatanim. 

Nalalaman ko panahon na ng pamumulaklak nito kapag marami ng nagkalat na maliliit na kulay dilaw na  taluyot na bulalak nito. 



Natatandaan ko ng si Nathalie ay nasa 5 taon gulang pa lamang, iniipon nya mga taluyot ng bulalak ng Narra na nililipad ng hangin sa loob ng aming sala, inilalagay nya iyon sa maliit na balde at pinupuno; kapag napuno nya iyon, masaya siya tatakbo sa akin at sasabihin "Ate! napuno ko na" nakangiti. 




Tumingala ako upang tingnan ang pinanggagalingan ng napakaraming taluyot ng bulalak na iyon at nakita ko kung gaano ito kaganda, napakasarap nitong pagmasdan at kapag humangin, bumabagsak muli ang mga mumunting taluyot na parang yebe sa langit, napangiti ako at nasabi sa sarili ko "parang Cherry Blossoms sa Japan, kulay yellow nga lang"... =) (habang nasa palad ko ang iilan taluyot ng bulalak ng puno ng Narra). 




Na ako ay nabyahe noong ako ay Kolehiyo na, tuwing panahon ng tag-init natingin ako sa paligid at napapansin ko ang iilan ilan puno ng Narra na nakatanim sa paligid... 

"sayang! kung madami siguro sila at sama-sama sa iisang lugar siguro mas maganda sila sa paningin, maaring makalat ngunit ayun na ata ang pinakamagandang kalat."(bulong ko sa sarili ko)




Naisip ko bigla ang "Cherry Blossoms at ang Sakura Festival na pinapangarap ko makita at maranasan;  sama-sama nakatanim sa isang lugar at nakahanay sa daan.

"Napakaganda siguro nito, nagbabagsakan mga taluyot ng Cherry Blossoms; mga mumunting kulay pink na nagkalat sa daan..." ^-^

Iilan nga ba ang nakakapansin at nakakakita ng simpleng ganda na nasa paligid lang....

Iilan kaya ang swerte nakakaramdam ng totoong biyaya ng Diyos....

Ang biyaya at ang regalo ng Kalikasan..... ^-^



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento